Liham
LIHAM PANGANGALAKAL
- Ang liham- pangangalakal ay isinusulat kung umuorder bg ga bagay na gagamitin o ititinda, humihingi ng tulong, nag- aaplay ng trabaho, o nagtatanong.
- Parte ng Liham:
- 1. Pamuhatan- ito ang bahaging katatagpuan ng tirahan o tanggapan ng sumulat at petsa kung kailan isinulat. Mababang Paaralan ng Kanlurang Sentral Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur Ika- 23 ng Pebrero, 2016 Malaking Titik Bantas Simula ng ngalan ng bayan/lalawigan/lungsod at ngalan ng kalye kuwit (,)sa pagitan ng bayan at lalawigan; distrito at lungsod kuwit (,) sa pagitan ng petsa at taon
- 2. Patunguhan- naglalarawan ito ng tirahan o lugar ng sinusulatan, ang pangalan ng bahay- kalakal, ang kalye, lungsod at bilang ng zipcode G. Liham Patnugot Editor-in-Chief Central Publishing House Col. SF Reyes Avenue Pob. Norte, Sta. Maria Malaking Titik Bantas Simula ng magagalang na pantawag sa tao; tanging ngalan ng tao; katungkulan at ang address tuldok (.)sa dinaglat na magalang na pantawag sa tao. kuwit (,) sa pagitan ng bayan, lalawigan at lungsod.
- 3. Bating panimula- isinusulat sa kaliwang gilid sa ibaba ng patunguhan. Gumagamit ng pormal na magagalang na salita tulad ng G., Gng., at iba pa G. Patnugot: Malaking Titik Bantas Simula ng magagalang na pantawag sa tao tuldok (.) sa dinaglat na magalang na pantawag sa tao. Tutuldok (:) pagkatapos ng bating panimula
- 4. Katawan ng Liham- ito ang naglalaman ng mensahe. Nasa pagitan ng bating pambungad at bating pangwakas Ang bumubuo po ng Samahan ng Diwa at Panitik ng aming paaralan ay interesadong magkaroon ng kaalaman sa ilang bagay tungkol sa paggawa ng pahayagan. Nais po naming humingi ng kapahintulutang bumisita sa inyong palimbagan upang makita ang ilang bagay tungkol sa paglilimbag ng pahayagan. Kayo na po ang bahalang magtakda ng araw at oras kung kailan kami maaaring magtungo riyan. Malaking Titik Bantas Simula ng bawat pangungusap tuldok (.) sa dulo ng bawat pangungusap. Simula ng bawat bagay na iorder tuldok (.) sa kasunod ng bilang sa talaan ng inorder
- 5. Bating Pangwakas- ito ang pamamaalam ng sumulat. Gumagamit ng pormal na pananalita tulad ng Lubos na gumagalang, Lubos na gumagalang, Lubos na nagpapasalamat, Sumasainyo. Lubos na gumagalang, Malaking Titik Bantas Simula ng bating pangwakas kuwit (,) sa dulo ng bating pangwakas
- . 6. Lagda- pagpapakilala kung sino o kanino nanggaling o nagsimula ang liham. Minsan inilalagay
- ang katungkulan ng sumulat.
Setyembre
19, 2017
#17
San Luis Extention, Purok
20, Baguio City
Gng. Myran C. Esperanzate
Punong Guro
#46 Bokawkan Road, Baguio City,
Benguet, 2600
Mahal naming
punong guro,
Isa po ako sa inyong mga estudyante
mula sa ika-11 na baiting. Ako po ay napasulat sa inyo upang mabigyang pansin
ang aking kahilingan. Napapansin ko po kasi ang madalas na paglabas ng paaralan
ng aking mga kaklase tuwing tanghalian upang kumain. Hindi po kasi nila minsan
ibig kumain sa ating canteen dahil sa
mga puro gulay na nahahain kaya mas pinipili nila ang pagkain sa labas. Vegetarian po ang ating canteen kaya nauumay na rin sila sa
gulay at naghahanap ng karne.
Dahil sa labis na kagustuhan nila,
napapadalas din ang pagiging huli nila sa klase ng hapon. Nais ko pong hingiin
ang inyong tulong upang magkaroon tayo ng karne sa ating canteen kahit
paminsan-minsan lamang. Maaari naman po tayong magkaroon kung anong araw tayo
magkakarne at maggugulay para di parin mawala ang vegetarian menu natin. Ito po ang aking kahilingan upang din a
kailanganin ng aking mga kaklase’t kamag-aral ng lumabas ng paaralan para
kumain. Ngunit kung ano man po ang inyong tugon o desisyon, malugod ko pong tatanggapin.
Maraming salamat po.
Lubos na
gumagalang,
Eunice Calangan
Eunice
Calangan
Comments
Post a Comment